FATHER’S DAY SPECIAL

At Your Service ni KA FRANCIS

ARAW ng mga tatay, daddy, papa at iba pang katawagan sa mga ama ng tahanan (Father’s Day).

Noong nakaraang Linggo, Hunyo 16, 2024, ipinagdiwang sa buong bansa ang Father’s Day o Araw ng mga Tatay.

Ang mga Pilipino ay pinaka-ipinagdiriwang ang Mother’s Day at Father’s Day tuwing ikalawang Linggo ng buwan ng Mayo at ikatlong Linggo ng Hunyo ng kada taon.

Itinakda ni dating president Cory Aquino ang petsa ng ikatlong Linggo ng Hunyo noong Hunyo 1988 sa pamamagitan ng Presidential Proclamation.

Binago naman ito ni dating president Joseph Estrada sa unang Lunes ng Disyembre sa pamamagitan din ng Presidential Proclamation noong 1998.

Itinakda n’ya rin ang Mother’s Day sa parehong petsa.

Subalit marami ang nagsabi na dapat ay magkahiwalay ang petsa ng Father’ Day at Mother’s Day.

Kaya nitong nakaraang Linggo, Hunyo 16 ay ipinagdiwang natin ang Father’s Day.

Ika nga ng mga kasabihan, dahil araw naming mga ama, tatay, daddy, papa at iba pang katawagan sa amin noong nakaraang Linggo, pahinga muna kami sa aming mga trabaho.

Bagama’t araw namin noong nakaraang Linggo ang iba sa amin ay tuloy pa rin ang mga trabaho lalo na ang mga nasa abroad o overseas Filipino workers (OFWs).

Ang ama ay siyang hari, haligi ng tahanan kaya siya ang magdadala ng kanyang pamilya.

Sa kanya rin sasandal ang buong miyembro ng kanyang pamilya.

Siya rin ang tatayong protektor at tagapagtanggol ng kanyang sariling pamilya.

Tatayo rin siyang modelo ng kanyang nasasakupang mga anak bilang tinaguriang hari ng kanyang pamilya.

Magiging matatag siyang hari ng kanyang pamilya sa suporta ng ilaw ng tahanan na kanyang kabiyak o asawa.

Sa tulong ng asawa na tumatayong reyna ng kaharian at suporta ng kanilang mga sundalong mga anak, magiging maunlad at matatag ang kanilang pamilya.

Tuwing sumasapit ang Father’s Day ay nagiging kaugalian nating mga Pilipino bilang mapagmahal tayo sa ating pamilya, na magbigay ng mga regalo sa ating mga ama ng tahanan at ginagawa nating pinaka-espesyal ang pagdiriwang na ito.

Kaya belated Happy Father’s Day sa lahat ng mga ama na katulad ko!

oOo

Binabati pala natin ng Happy Birthday si Liza Templado ng RGT Variety Store ng Valenzuela City.

277

Related posts

Leave a Comment