Mas pinahusay pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang pagbabantay laban sa ‘undervaluation and misclassification’ ng kalakal sa pamamagitan ng Imports and Assessment Service (IAS) para sa mas maayos na koleksyon.
Ito ay para sa pinatatag na Value Reference Information System ng BOC para sa tamang pagmomonitor sa valuation and tariff classification ng imported articles.
Ang Bureau ay lumagda noong Hulyo 14, 2020 ng Customs Memorandum Order (CMO) No. 16-2020 na kung saan ay nag-i-implementa ng Enhanced Value Reference Information System (e-VRIS) na magsisilbing bagong database na ‘reference values’ na mag-operate sa electronic to mobile (E2M) system.
Ito ay pamalit sa kasalukuyang National Value Verification System (NVVS) na nabuo noong 2019 para protektahan ang government revenues laban sa trade mis-invoicing at misclassification.
Ang e-VRIS ay makatutulong sa pagbuo ng BOC ng maaasahan at komprehensibong database of information sa halaga at klasipikasyon ng imports para sa sangguniang mga layunin bilang suporta sa implementasyon ng World Trade Organization’s (WTO) Valuation System pati na rin ang kasunod na paraan ng valuation sa ilalim ng RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Partikular ang Method 2 (Transaction Value of Identical Goods) at Method 3 (Transaction Value of Similar Goods) bilang ang e-VRIS na mabibigay para sa ‘look-up table of identical and similar entries’ mula appraisers ay makikita ang values of identical at similar entries kung ang shipment para sa valuation ay tinanggihan sa ilalim ng Method 1.
Kaugnay nito, sa ilalim ng Performance Governance System (PGS) Scorecard, ang Assessment and Operations Coordinating Group ay nagtakda para takpan ng 1,210 sa 12,098 o 10% ng kabuuang tariff lines para sa taong 2020.
Samantala ang group, sa pamamagitan ng IAS, ay naabot ang actual accomplishment rate ng 36% o katumbas ng 4,355 tariff lines para sa 2020.
Sa pagrebisa ng IAS ay nakapagtala ng kabuuang 300,236-line items para sa parehong taon.
Ang mas mataas na numero ng tariff lines ay nagpapatunay na hinigpitan ng Bureau ang kanilang kampanya laban sa undervaluation sa pamamagitan ng ‘risk management functionality of the system’ na pinayagan ang automated flagging sa maaaring undervalued goods, or goods na ang halaga ay bumaba sa minimum range.
Ang mga halaga ng sanggunian na nakaimbak sa e-VRIS ay magsisilbi bilang risk management tool para alamin ang katotohanan ng anumang pahayag, dokumento o deklarasyon na iprinisinta para sa customs valuation na layunin.
Ang mga halagang ito ay hindi kinukunsidera na kapalit na halaga kundi ay reference values lamang para makatulong sa assessment personnel sa valuation ng goods.
Karagdagan nito, sa ilalim ng CMO 16-2020, deklaradong ipinag-uutos para sa fill-up Box No. 33 sa Specification Code ng goods declaration bago pa man ang lodgment sa E2M system. (Joel O. Amongo)
200 