PAGPAPAGAMIT NG SINOVAC SA HEALTHCARE WORKERS WELCOME SA MALACANANG

WELCOME sa Malakanyang ang naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na gamitin ang Sinovac vaccine para sa healthcare workers.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, gaya ng palagi nilang sinasabi sa maraming okasyon, ang mga healthcare worker ay itinuturing na “most critical frontliners” sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Nananatili rin ang mga ito bilang pinakauna sa priority list para sa pagbabakuna.

“The IATF’s approval of the recommendation of the National Immunization Technical Advisory Group and the Department of Health’s Technical Advisory Group is an assurance that the use of Sinovac is safe and beneficial to our healthcare workers,” ayon kay Sec. Roque.Samantala, inaasahan naman na darating sa bansa sa darating na Linggo, Pebrero 28 ang Sinovac vaccine.

“We are confident that many of our healthcare workers would get themselves inoculated to boost public confidence in our mass vaccination program against the coronavirus,” giit ni Sec. Roque.

Matatandaang, bagama’t nakakuha na ng emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang COVID-19 vaccine ng Sinovac. Pero ayon sa FDA, hindi nila inirerekomenda ang bakuna ng Sinovac sa mga health worker dahil nasa 50% lang ang efficacy rate nito sa clinical trials na ginawa sa mga doktor at nurse sa Brazil.

Ito rin ang lumabas sa evaluation ng Vaccine Expert Panel (VEP), makaraang mapag-aralan ang mga dokumentong isinumite ng Sinovac noong Biyernes para sa aplikasyon nila ng Emergency Use Authorization (EUA).

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Usec. Eric Domingo na base sa nakita sa trials na ginawa ng Sinovac sa Brazil sa mga health workers doon, lumabas na nasa 50.4% lamang ang efficacy rate nito sa partikular na grupo.

Kung tutuusin, ani Domingo ay mabuti na ito kaysa wala at ligtas naman itong gamitin sa bansa.

Ayon kay Domingo, ang rekomendasyon ng VEP ng bansa ay maaaring gamitin ang Sinovac sa ibang grupo ng populasyon na nasa edad 18 hanggang 59 anyos. (CHRISTIAN DALE)

124

Related posts

Leave a Comment