PAGPAPAGAMOT NG GURONG MAGKAKA-COVID, PINASASAGOT SA DEPED

INIREKOMENDA ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na bigyan ang mga guro at non-teaching personnel ng katiyakan sa pangangailangan sa kalusugan
kabilang ang halaga ng pagpapagamot, kapag naging positibo sila sa corona virus 2019 (COVID-19) sa sandaling magsimula silang mamahagi ng self-learning modules (SLMs) sa pagbubukas ng klase.

Dahil krusyal ang mga guro at tauhan sa pagpapatakbo ng Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP), sinabi ni Gatchalian sa isang pagdinig sa Senado na mahalaga para sa DepEd na mabigyan ng pagtitiwala ang guro at tauhan upang maibigay nila ang buong kooperasyon at pagsusumikap sa pagpapatakbo ng distance learning.

Sinabi pa ni Gatchalian na isa pang aalalahanin ng mga tauhan sa paaralan ang kawalan ng serbisyong pangtransportasyon sa kaso ng ilang lugar na nananatili sa mahigpit na quarantine
measures.

Ibinalik ang Metro Manila at kalapit lalawigan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sanhi ng pagtaas ng bilang ng  COVID-19 cases.

“We cannot force teachers to distribute learning modules without giving them assurance on their health and safety concerns. Without assurance, there will be no confidence and without
confidence, all of these plans will fail,” ayon sa tagapangulo ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Ibinulgar ng ilang DepEd officials sa ginanap na “national readiness” launch na hindi kasama sa 2020 budget ang gastusin sa COVID-19  medication, treatment, o hospitalization ng guro at non-
teaching staff.

Ipinaliwanag ni DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla sa ginanap na pagdinig nitong Miyerkoles na tulad ng ibang government employees, sakop ng  Philippine Health Insurance
Corporation (PhilHealth) ang mga guro at non-teaching personnel.

Natuklasan pa ni Gatchalian sa pagdinig na may ilang empleyado ng DepEd ang nagsagawa ng personal na kontribusyon upang tulungan ang pagpapagamot ng kasamahan.

“Although it has been clarified by DepEd officials that they have already collaborated with local government units (LGUs) and the Department of Health (DOH) to put up a referral system for
employees needing care and monitoring since the use of DepEd funds is allowed to secure supplies needed in compliance with minimum health standards,” ayon kay Gatchalian.

Ayon sa DepEd, may 598 cumulative cases ng COVID-19 mula sa iba’t ibang rehiyon at dibisyon, habang 11 kaso mula sa Central Office. Pero, kailangan pang suriin ang bilang na ito ng   COVID-19
Task Force sa ahensiya.

Kahit nalalaman niyang sakop ng PhilHealth ang mahigit 900,000 titser at non-teaching personnel   kapag nagkasakit sila ng COVID-19, iginiit ng mambabatas na dapat may malakas na kolaborasyon sa kompanya para sa mas mabilis na probisyon ng health care services.

Iniurong ng pamahalaan sa Oktubre 5 ang pagbubukas ng klase upang plantsahin pa ang lahat ng aspeto ng Basic-Education Learning Continuity Plan (BE-LCP),  kabilang ang kagalingan ng guro,
non-teaching staff, learners, at kanilang magulang. (ESTONG REYES)

99

Related posts

Leave a Comment