WALANG katotohanan ang sinasabing panibagong kudeta sa liderato ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Ito ang binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson sa gitna ng muling ugong ng napipinto umanong pagpapalit ng liderato ng Senado.
Sinabi ni Lacson na maituturing itong lumang rehashed psywar tactic na naglalayong lituhin ang publiko at bumuo ng intriga sa mga miyembro ng majority bloc sa Senado.
Binigyang-diin pa ng senador na wala rin itong kinalaman sa kanyang desisyon na mag-resign bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Tiniyak naman ni Lacson na kaya niyang panghawakan ang lahat ng pressure at ang hindi lamang niya makayanang tiisin ay ang matinding pagkadismaya.
Iginiit ng senador na sa kabila nito ay walang makapipigil sa kanyang isulong ang adbokasiya laban sa katiwalian at bulok na sistema partikular sa mga hindi tamang paggamit at pag-abuso sa pondo ng gobyerno.
(DANG SAMSON-GARCIA)
