INATASAN ni Senador Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ang implementasyon ng Motor Vehicle Inspection System (MVIS) sa gitna ng hindi nareresolbang isyu at reklamo na lubhang nagpapa-agrabyado sa motorista sa panahon ng pandemya.
Sa pahayag, sinabi ni Poe na masyadong malapit ang timing ng implementasyon dahil marami ang naghihirap at nawalan ng trabaho sanhi ng pandemya.
“The timing of its implementation could not have been worse. We are still in the middle of a pandemic with no definite end in sight. Hindi ba pwedeng time-out muna habang nasa gitna pa tayo ng pandemya?” ayon kay Poe.
“The costs are prohibitive for a still imperfect system. Mula sa P500 noon na emission testing fee, naging P1,500 o triple ang iminahal ngayon ng inspection fee. Dagdag pa ito sa mismong registration fee na maaaring umabot ng higit pa sa P3,000. Para sa isang sistema na napakaraming problema, makatwiran ba ang mga bayaring ito?” tanong ni Poe.
Ikinalungkot pa ng chairperson ng Senate committee on public services ang kawalan ng konsultasyon sa transisyon ng motor vehicle inspections center mula sa dating emission testing center sa pagsasabing “Safer roads mean no shortcuts. The public must be consulted and informed every step of the way. Dapat kabahagi ang mga motorista sa paghulma ng ganitong kalaking polisiya.”
Kasaabay nito, inatasan ni Poe ang DOTR at Land Transportation Office (LTO) na isumite ang listahan ng private motor vehicle inspection centers (PMVIC) kabilang ang pangalan ng may-ari at incorporators.
“Ibinigay ninyo sa pribadong namumuhunan na three years lang mababawi na nila. ‘E kung nasa kanila ng ilang taon ‘yan, ‘e ‘di ang laki ng kita nila. Bawi na sila ng tatlong taon,” ayon kay Poe saka itinanong sa LTO kung paano napili ang PMVIC at kung may sapat na kasanayan ang tauhan nito.
Sa kasalukuyan, mayroon 138 PMVICsa na accredited at tanging 23 lamang ang may operasyon na hindi sapat upang tugunan ang lahat ng sasakyan na magparehistro kada taon.
Sa kanyang pagtutuos, sinabi ni Poe na kailangan suriin ng PMVIC ang mahigit 173, 913 sasakyan o tinatayang aabot sa 476 saskyan kada araw, kasama ang Sabado at Linggo.
Aniya, kung magbabayad ang lahat ng pribadong sasaksay ng P1,500, inaasahang kikita ang bawat PMVIC ng aabot sa milyon kada araw o P261 milyon sa unang taon ng operasyon kung iimpeksiyunin nila ang magkakatulad na bilang ng sasakyan kada araw. Inaasahan din na lahat ng sasakyan ay makapapasa sa unang pagsusuri at hindi na kailangan pang bumalik at magbayad mula sa ikalawang inspection matapos bumagsak ang unang test.
“Sino ang may-ari ng mga centers na iyan na binigyan na ng permit nang wala pang regulation,” tanong ni Poe. (ESTONG REYES)
