PUBLIC SCHOOLS GAGAWING VAX CENTERS

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaaring magsilbing vaccination centers ang mga pampublikong eskuwelahan kapag nagsimula nang mag-roll out ang gobyerno ng mass inoculation program laban sa COVID-19.

Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na maaaring gamitin ng local government officials ang public schools sa urban areas para ma-accommodate ang immunization programs kapag walang makitang suitable venues gaya ng gymnasiums.

“Wala pa namang klase. If there is no malaking mga coliseum or gym, then we will utilize the schools,” ayon sa pangulo.

Inulit ng Chief Executive ang naunang kautusan na ang police stations at military camps ay puwedeng magsilbing vaccination centers sa mga liblib at malalayong lugar.

Samantala, sinabi naman ni Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., na suportado ng military hospitals ang inoculation program ng gobyerno dahil ang mga health worker at ang kani-kanilang pamilya ay handang magpabakuna gayundin ang Defense at military personnel at ang kanilang mga kamag-anak. (CHRISTIAN DALE)

131

Related posts

Leave a Comment