MAGSISILBING babala sa iba pang industry sectors ang pagharang kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang payagan ang importasyon ng asukal sa bansa.
Ayon sa isang grupo, ang hakbang ng Pangulo ay nagpapakita na hindi nais ng kasalukuyang administrasyon ang “unusually high volume” ng importasyon.
Ang pagharang ng Pangulo sa sugar importation ay nagsilbing mitsa upang mabigyan pa ng oportunidad ang agriculture sector at iba pang domestic producers na humaharap sa hamon ng walang habas na importation ng foreign products.
“Like our peers in the sugar sector, we welcome the President’s action against the flood of imported products,” saad ni Cirilo Pestano, executive director of the Cement Manufacturers Association of the Philippines, kung saan ipinunto niya rin na mayroong “uproar” sa walang habas na pag-import ng carrots at iba pang gulay.
Dagdag pa niya, nagpakita ng “wisdom” ang Pangulo kung saan iginiit nitong dapat ay mayroong “balance” sa pagprotekta sa consumers laban sa pagtaas ng presyo ng basic commodities at masiguro ang viability ng local industries.
“We hope that the Marcos administration would extend this policy to other local industries that are facing equal serious threats from the influx of imports,” sabi pa ni Pestrano.
Nitong nakaraan ay hiniling ng CeMAP sa Tariff Commission na magpatupad ng anti-dumping duties laban sa Type 1 at Type 1P na cement imports mula Vietnam at palawigin pa ang safeguard measures sa cement imports na sinimulan noong 2019 at magtatapos sa Oktubre.
Ayon sa CeMAP β na sinusuportahan din ng mga non-member local manufacturers β sinabi na nila sa Tariff Commission na bagamat may safeguard measures na ipinatutupad ay lalo pang luma ang cement imports.
Sinabi naman ni Republic Cement vice president for Strategy and Business Development Reinier Dizon sa Tariff Commission na kahit mayroon silang “constant innovation” at operational improvements, naapektuhan pa rin sila ng imports na dumarating sa bansa “at dumped prices”.
“We’re losing revenues, we’re losing volumes despite the operational improvements we have been making,” sabi ni Dizon.
Samantala, sinabi naman ni Holcim Philippines, Inc. vice president for Sustainability Zoe Sibala na patuloy ang pagtaas ng volume ng imported cement na ibinebenta sa mas mababang halaga kahit pa tumataas ang presyo ng langis at enerhiya.
Paliwanag pa niya, ang share ng imports sa domestic production “in terms of volume” ay tumaas mula zero noong 2013 tungo sa 5.3 million metric tons noong 2019 at tumaas pa ito sa 6.88 MMT noong 2021.
Ang percentage ng share ng imports naman sa domestic production ay tumaas mula zero noong 2013 tungo sa 26.09 percent noong 2019 at mas tumaas pa ng 38.42 percent noong 2021.
Base sa datos ng CeMAP, nasa 91 percent umano ng cement imports ay nagmula sa Vietnam as of 2021.
Sinabi pa ng mga petitioner na lumaki pa ang volume ng imports kahit hindi naungusan ng domestic supply ang local demand ng semento at hindi rin ito naapektuhan nang paghinto ng trabaho dahil sa pandemya.
Dagdag nila, habang pinatataas ng Ukraine-Russia war ang presyo ng langis at enerhiya β na kumakatawan sa 70 percent ng presyo ng cement cash production cost β ay lalong mas kailangan ng epektibo at permanenteng proteksyon mula sa unfair trade practices.
Natapos na ng Tariff Commission ang mga hearing nito kaugnay sa dalawang petisyon ng CeMAP at inaasahang maglalabas na ng desisyon ang komisyon kaugnay dito.
Kung matatandaan, sinabi ng Malakanyang na ni-reject ni Marcos β na siya ring chairman ng Sugar Regulatory Administration Board at tumatayong Agriculture Secretary β ang panukalang mag-import ng 300,000 metric tons ng asukal “in no uncertain terms”.
Sa gitna ng kontrobersya, nagbitiw sa pwesto si Agriculture Undersecretary for Operation Leocadio Sebastian na siya umanong signatory ng import authorization “on behalf of the President”.
Ayon pa sa Palasyo, mananagot ang dapat managot dahil patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon kung sino ang dapat parusahan kaugnay sa mga ilegal na imports.
219 