MAAARING isara ang borders ng Pilipinas sa gitna ng tumataas na kaso ng Delta coronavirus variant.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpapatawag siya ng emergency meeting sa COVID-19 Inter-Agency Task Force at medical experts, ngayong araw (Sabado).
Sinabi ng chief executive, ang gobyerno ay maaaring magpatupad ng “more stringent measures” kumpara sa umiiral na protocols, subalit nais muna nitong marinig ang mga input ng medical experts bago pa gumawa ng “drastic decision.”
Inamin ng chief executive na ang pangunahin niyang concerned ay ang ulat kung paano ang “highly contagious Delta variant” ay nakaaapekto sa ibang bansa gaya ng Australia at Indonesia.
Nag-aalala rin ang pangulo ukol sa epekto ng mas agresibo at “virulent mutation”, bagaman kampante ito na kakayanin pa ng Pilipinas ang panibagong wave ng infection. (CHRISTIAN DALE)
124
