PAGSUSUOT NG FACE MASK SA LOOB NG SASAKYAN NG MAGKAKAPAMILYA, TINAWAG NA KALOKOHAN

KINUWESTYON ng ilang senador ang basehan ng Inter Agency Task Force sa pagpapatupad ng regulasyon na dapat magsuot ng face mask sa loob ng pribadong sasakyan kahit magkakasama sa bahay ang mga pasahero at driver.

“Meron ba ditong makakapagsabi na sa ibang bansa na ito din ang nagiging regulasyon, dapat naka-mask ang mga miyembro ng pamilya sa loob ng sasakyan,” saad ni Senador Grace Poe.

“Wala bang nagsabi sa IATF na medyo kalokohan naman itong suggestion na ‘to? Anong ibig sabihin? Paguwi mo sa bahay magkakasama pa rin kayo, naka-mask pa rin kayo dapat?” dagdag nito.

Kinatigan ni Senador Joel Villanueva ang sentimyento ni Poe nang wala ni isa sa mga resource persons mula sa transportation sector ang nakasagot sa mga katanungan.

“Nakakalungot na we’re calling a hearing and then not a single government agency is aware of what we wanted to know and what we are looking for, for clarification,” diin ni Villanueva.

“It is a very simple basic question: meron bang from DOTr (Department of Transportation), from the transport sector na kinonsult ang IATF?” dagdag nito.

Sa panig naman ni Senador Imee Marcos, pinayuhan nito ang IATF gayundin ang LTO officials na matulog at magpahinga upang makapag-isip din ng maayos na mga polisiya.

“Payuhan ko lang yung IATF at yung LTO baka talaga namang kailangan matulog na kayo at magpahinga kasi kasabay rin nito na walang katuturan ay yung sinasabi na government employees daw ay
exempted from border protocols… biglang may double standard,” diin ni Marcos.

“Palagay ko puyat na ang IATF kailangan siguro mamahinga,” dagdag nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

216

Related posts

Leave a Comment