PAGTAAS NG SUICIDE CASES NAKAAALARMA – SOLON

bigti

KUNG ang pagbabasehan ay ang dami ng mga nagpatiwakal nitong nakaraang taon, posibleng malagay sa alanganin ang maraming Pilipino lalo pa’t malaki ang itinaas ng bilang ng mga Pilipinong dumaranas ng mental disorder, base na rin sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Giit ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, hindi dapat ipagwalang-bahala ng Department of Health (DOH) ang datos mula sa PSA, kasabay ng panawagang paglaanan ng panahon at sapat na pondo ang aniya’y estadong pinagdadaanan ng maraming Pilipinong lubos na nasadlak sa dusang dulot ng pandemya.

Aniya, lumobo ng halos 57 percent ang naitatala ng PSA sa mga nagpatiwakal nito lamang nakaraang taon.

Bagamat nakakabahala ang 2,810 kaso ng suicide nuong taong 2019 bago pa pumasok ang pandemya, higit pang dapat pagtuunan ng DOH sa usapin sa mental health makaraang magtala ng 4,420 kaso ng suicide ng sumunod na taon.

Sa gitna ng nakakaalarmang bilang ng mga nagpapakamatay ng Pilipino, dapat aniya ang agarang pagpapatupad ng National Mental Health Act.

“These must be addressed immediately and conscientiously” by the Department of Health (DOH) and other related agencies through pro-active and accessible programs and services,” pahayag ni Vargas.

Nanawagan rin si Vargas sa kongreso na bigyang ng malalimang pag uusap ang House Resolution 2312 na naglalayong buksan na ang kaisipan ng sambayanan hinggil sa mental health issues na siyang dahilan sa paglobo ng suicides cases sa bansa.

“Amidst the aggravated challenges brought about by the COVID-19 pandemic, the government must explore and employ the best strategies to address the mental health situation of the public, and provide proactive, accessible, and affordable services and programs for all,” ani Vargas.

Maliban sa pagtaas ng bilang ng mga Filipino na nagpakamatay noong 2020, naitala umano ng Philippine World Health Organization (WHO) Special Initiative for Mental Health na may 3.6 milyong Pilipino ang dumaranas ng isa sa sintomas ng mental, neurological at substance use disorder.

“This alarming social concern greatly affects a huge number of the population,” ayon sa mambabatas kahit umiiral na aniya ang Republic Act 11036 (Mental Health Act).

Base sa nasabing batas, nararapat na agad bigyan ng wasto at maagad na medical attention ang mga taong nakakaranas ng problema sa pag-iisip sa hangaring malunasan bago pa ito umabot sa sukdulan.

Giit pa niya, hindi ito nabibigyan ng ibayong pansin ng DOH bagama’t aminado ang ahensya na lumalala ang nasabing problema simula nang magkaroon ng pandemya.

Isa naman sa mga nakikita niyang dahilan ay ang kakarampot na budget umano na inilalaan para sa mental health problem ng mga Pilipino. Base sa mga dokumentong nakalap mula mismo sa DOH, lumalabas na 5% lamang ng kabuuang budget nito ang  nakalaan para dito.

“Apart from the statistics on the mental health situation of the country, stakeholders must also be provided with necessary and relevant reports on the allocation of the budget for mental health programs and the  implementation of the National Strategic Plan of the Mental Health Act,” dagdag pa ni Vargas. (CESAR BARQUILLA)

649

Related posts

Leave a Comment