PAGTALAKAY SA ECO CHA-CHA, ‘WAG MADALIIN – JV

NANINDIGAN ang mga senador na hindi dapat madaliin ang pagtalakay ng anumang pagbabago sa konstitusyon.

Ayon kay Senador JV Ejercito, kapag minadali ang pagtalakay ay posibleng magkaroon ng problema sa mga babaguhing probisyon.

“There are no room for mistake, we have to do it correctly and right…The best solution to problems are born out of discussion and debate. Hayaan po nila kami na tapusin ang hearing,” saad ni Ejercito.

Iginiit naman ni Senador Francis Tolentino na dahil saligang batas ang inaamyendahan ay hindi ito dapat madaliin.

“Ang magiging produkto nito ay pang-habambuhay po. Kaya hindi dapat irush at dapat talagang very deliberate and objective po yung pag-aaral,” pahayag ni Tolentino.

Kung may bubuksan naman anya para sa foreign ownership ay ang energy sector.

Ipinaliwanag ni Tolentino na sadyang napakagastos ng pil and gas exploration kaya’t malaking tulong kung may dayuhang kumpanyang mamumuhunan dito.

Muli namang nanawagan si Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa mga senador at kongresista na sundin na ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos at magkasundo na sa hakbangin para sa pagbabago sa konstitusyon.

Iginiit ni Revilla na dapat itigil na ang bangayan upang mas maraming panukala para sa kapakanan ng taumbayan ang kanilang matalakay at maipasa.

(DANG SAMSON-GARCIA)

150

Related posts

Leave a Comment