PAGTATALAGA NI BBM KAY ERWIN TULFO SA DSWD, WISE DECISION

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO

MUKHANG nagpapakitang-gilas agad si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary-­designate Erwin Tulfo, ilang araw pa lamang matapos ianunsyo ng kampo ni President-elect Bongbong Marcos ang ­kanyang pangalan bilang kalihim ng naturang departamento.

In fairness, mukhang maganda ang mga plano ni Tulfo, na ­kilalang takbuhan ng mga mahihirap at inaapi, sa naturang ahensya.

Katulad ng pangako niya na siya ay magiging kalihim na madalas makikita “on the ground” na magtatrabaho sa mismong mga komunidad na nangangailangan ng tulong.

Ito ang hinahanap ngayon ng taong bayan, ang nakakasalamuha nila ang kanilang mga lider at madaling nalalapitan at nakakausap.

Kung sabagay doon naman talaga kilala si Erwin na palaging nasa komunidad at kilala sa pagtulong sa mga inaapi.

“I will be a secretary on the ground. I will be a secretary ­people can touch, people can talk to,” ayon sa panayam kay Tulfo.

“I think I have to be on the ground just to assure that I am here. The government is here. The government is watching. The government is helping. And we are here. All the help is here. So I have to be on the ground.”

Bukas din si Tulfo na banatan siya ng kanyang kapwa mamamahayag kung sakaling mayroong mapupuna sa kanya na maling ginagawa sa kanyang ahensya.

“I would encourage other ­journalists and media people to call my attention. For example, kapag hindi nakakarating ‘yong ayuda with DSWD in times of calamity,” saad pa ni Tulfo.

Magaling talaga si BBM sa pagpili ng mga makakasama niya sa gabinete dahil alam niya ang kailangan ng mamamayan.

Aprub sa mamamayan si ET dahil bagay na bagay siya sa DSWD dahil kilala na ito sa mabilisang aksyon at pagtulong sa mga tao kaya sana ay mas maging matagumpay pa siya lalo na ngayon na mas malawak na at mas marami pa ang pwede niyang matulungan.

118

Related posts

Leave a Comment