PAGTUGIS NG PULISYA SA ILLEGAL E-SABONG OPERATORS, TULOY-TULOY

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

HINDI maitatatwa na maging ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay alam na nakikinabang sana ang gobyerno sa operasyon ng online o electronic sabong.

Kaya nang mawala ito, namamayagpag naman ang illegal e-sabong sites. Nahihirapan na tuloy ang pamahalaan na sugpuin ito at wala rin itong nakukuhang tax mula rito.

Sabi nga ni PAGCOR E-Gaming Licensing and Regulation Vice-President Atty. Jose Tria, mula nang matigil ang e-sabong ay biglang nagsulputan ang mga illegal sites.

Mas maganda talaga kung walang tigil ang operasyon ng mga alagad ng batas. Mahirap din daw kasing tugisin at i-regulate ang mga ito dahil online nga at illegal operations pa.

Kasama raw sa mga illegal sites ay ang pinassabong.live; pclive1.com; sabong-express.net; phbetting.live; goperya.com; phbet44.bet; phbet.bet; at phbetr.bet.

Nariyan din daw ang sbx888.com (from phbettings.live), pcl333.com (from pclive1.com), pns333.com (from pinassabong.live), sabongsportslive.com, drcock.live, pclive2.com, at sb168.live.

Maganda naman ang ginagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil pumasok na ito sa usapin.

Aba’y inatasan kasi ng DILG ang Phil. National Police (PNP) na hanapin at pahintuin ang mga iligal na operasyon ng e-sabong websites.

Ginawa ng ahensya ang direktiba matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang mga ito.

Ngunit may mga sumusuway pa rin daw talaga. “These illegal e-sabong outfits are operating without licenses or franchises from the national or local governments and are not remitting a single peso in revenue to the state,” pahayag nga kamakailan ni Interior Spokesperson Jonathan Malaya.

Gumagawa na rin naman daw ng aksiyon ang PNP Anti-Cybercrime Group at PNP units sa buong bansa.

Hindi kasi talaga uubra ang unregulated online cockfighting sites.

Kaya marami ang nananawagan na ibalik na ang legal e-sabong para ma-regulate ito nang maayos.

Kapag illegal kasi ang operasyon, bukod sa walang regulasyon, hindi rin nakatitiyak ang mga mananaya o mga talpakeros na hindi sila nadadaya.

Isipin n’yo na lang kung gaano kahirap at kasakit kapag nalaman mong dinadaya ka lang ng mga naturang illegal e-sabong sites.

131

Related posts

Leave a Comment