Pagtuon sa katatagan matapos ang sunod-sunod na bagyo

Ang pagtutok ng DBM sa disaster funds ay kasunod ng magkakasunod na bagyong tumama sa iba’t ibang rehiyon ngayong taon.

Ang Bagyong Tino na nanalasa sa Visayas at hilagang Palawan ay nakaapekto sa halos 2 milyong Pilipino, at nag-obliga sa mahigit 40,000 pamilya sa Cebu na lumikas dahil sa malawakang pagbaha.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa 188 ang nasawi dahil sa bagyo.

Pagkaraan nito ay nanalasa naman ang Super Typhoon Uwan sa mga silangan at hilagang lalawigan, na nagpalikas sa 1.4 milyong residente at nagdulot ng pagkawala ng kuryente sa halos 3 milyong kabahayan, batay sa ulat ng Philippine News Agency.

Dahil dito, nanawagan ang mga mambabatas ng mas mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng mga pambansang ahensya at LGUs upang matiyak na mabilis na nailalabas at nagagamit nang tama ang mga pondo para sa disaster response at lokal na imprastruktura, at maiwasan ang pagkaantala ng tulong at rehabilitasyon dahil sa burukrasya.

Kapwa mga senador mula sa mayorya at minorya ang nanawagan ng higit na transparency at accountability sa paggastos ng pondo, lalo na yaong ipinapadaan sa mga lokal na pamahalaan.

Inaasahang magpapatuloy sa mga darating na linggo ang plenary deliberations sa 2026 GAB habang sinisiyasat ng Senado ang mga badyet ng bawat sektor at inuuna ang mga prayoridad ng pamahalaan bago ito tuluyang aprubahan.

60

Related posts

Leave a Comment