LUBOS tayong nagpapasalamat sa mga ginagawang hakbang ng tagapamahala ng mga bilangguan sa bansa na ma-decongest ang mga siksikang bilangguan na ha ngaring maibsan ang pagkalat ng COVID-19, dahil sa kasalu kuyan ay mahi git kumulang 22,000 mga bilanggo na ang kanilang ini-release o napalaya.
Nauna nang inanunsyo ng DILG na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay nakapag-release ng 21,858 persons deprived of liberty mula Marso 17 hanggang Hulyo 13 sa 470 jail facilities sa buong bansa.
Pinasasalamatan natin ang ginagawang hakbang ng BJMP at DILG upang ma-decongest ang mga bilangguan ng ating bansa. Dahil patuloy na tumataas ang mga impeksyon ng COVID-19, ito ay napakahalaga upang tugunan natin ang isyu sa ating mga siksikang kulungan.
Kung hindi ito agad inaksyunan, maaari tayong maharap sa isang mas malubhang sitwasyon kaysa sa kasalukuyang nararanasan na natin. Matatandaan na una tayong nanawagan para sa pagpapalaya ng mga PDL na pinaka-peligro sa impeksyon, kasama na ang mga matatanda at may sakit.
Ikinalugod din natin ang inilabas na utos ng Korte Suprema kamakailan sa lahat ng trial court judges sa bansa na suspendihin ang pagpapalabas ng commitment orders sa mga bilangguang pinatatakbo o pinamamahalaan ng BJMP.
Ang mga hinihinalang nagkasala ng kriminal ay pansamantalang makukulong muna sa mga detention facilities ng Philippine National Police mula Hulyo 22 hanggang Agosto 31, maliban kung ito ay palawigin pa ng mataas na korte.
Ganun pa man, mas palalakasin pa natin ang pagsusulong ng mga hakbang upang mabigyan ang mga PDL ng legal services sa pamamagitan ng “e-dalaw” initiative, isang pinagsamang proyekto sa pagitan ng Lakbay Hustisya Foundation at ng BJMP.
Itinatag natin ang Lakbay Hustisya Foundation, isang legal aid trust fund na ating inorganisa upang suportahan ang mga legal aid activities sa buong Pilipinas. Ang foundation natin ay nakapag-donate na ng apatnapung mga computer sa malalayo at highly congested jails sa buong bansa.
Kami ay patuloy na nagsisikap upang makapagbigay ng karagdagang computer sa ating mga bilangguan para matiyak na mas maraming mga bilanggo ang makakapag-communicate sa kanilang mga abogado. Kailangang siguruhin na gumagalaw pa rin ang gulong ng hustisya kahit sa panahon na ito.
Gumagawa tayo ng mga hakbang, sa pakikipag-ugnayan natin sa BJMP, para masigurong makakausap pa rin ng ating mga PDL ang kanilang mga abogado kahit suspendido ang visitation rights.
Lahat ng tao ay may karapatan, bilanggo man o laya, kahit sa gitna ng isang malubhang pandemya.
At patungkol naman sa kalusugan at posibleng hawahan ng impeksyon, kapag ang isa ay protektado, lahat ay protektado. Ganito dapat ang buhat ng a ting mga kamay, sama-sama at sabay-sabay, para walang disgrasya sa buhay.
202