PAKIKIALAM NG MGA PARI PARA SIRAAN SI BBM, INALMAHAN

DAPAT bang makialam ang mga alagad ng simbahan sa pulitika at igiit ang kanilang political stand kung sino ang karapat-dapat na iboto ng sambayanan at siraan ang isang tao dahil lamang sa pulitikong sinusuportahan?

Isang pari ang viral ngayon na nag-upload ng video sa social media na may logo na “LENI” sa kanyang dibdib, ang inalmahan ng netizens matapos na sabihing “itataya ko ang pagka-pari ko, kung hindi kayo boboto sa matinong kandidato ay huwag na kayo magsimba.”

Dapat bang gamitin ang pangalan ng Diyos at ang kanilang katungkulan bilang pari? Hindi ba’t ang tungkulin ng mga alagad ng simbahan ay gabayan ang mga taong naliligaw ng landas, imbes na itaboy ay mas palapitin pa sila sa Diyos at ano ang karapatan ng isang pari para sabihing huwag na lang magsimba?

Magugustuhan kaya ng ating Panginoon ang ginagawang paglapastangan sa kanyang pangalan ng ilang mapagsamantalang alagad ng simbahan na imbes na magturo ng salita ng Diyos ay nakikipagsabwatan pa sa kanilang sinusuportahang kandidato upang impluwensyahan ang mga tao na ipalaganap ang propaganda laban dito at malason muli ang isipan ng sambayanan.

Matatandaang ang pakikialam sa pulitika ng ilang lider ng Simbahang Katolika ay minsan nang nagpahamak sa buhay ng maraming Pilipino nang makinig ang sambayanan sa ­panawagan noon ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na lumabas ng bahay at suportahan ang mga nagsagawa ng protesta upang ­pabagsakin ang gobyernong Marcos noong 1986, na siyang naging malaking pagkakamaling nangyari sa kasaysayan ng bansa na sa huli ay walang awang minasaker ang mga magsasakang nagsagawa ng kilos-protesta sa Mendiola upang ipanawagan ang ipinangako sa kanila ni Cory noong kasagsagan ng eleksyon na isa lamang palang political propaganda.

Maraming mga alagad ng Diyos ang lihim na itinatago ang kanilang tunay na imahe sa likod ng kanilang kasuotan na “Sotana”, imbes na maglingkod sa Panginoon ay nakikipagsabwatan pa sa mga pulitikong may maitim na hangarin kapalit ang ilang salapi kagaya na lamang ni “Judas” na ipinagkanulo si Hesus kapalit ang 30 pilak.

Kamakailan ay nagpahayag ang Simbahang Katolika na hindi makikialam sa anumang usaping pang pulitika ngunit bakit kaya hinayaan nilang magkaroon ng political campaign ang kampo ni Leni Robredo na imbes na isang simpleng misa ay naging political rally na ginanap sa Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd sa Fairview QC. Bakit kaya tahimik at tila bulag, pipi at bingi ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)?

Hindi maganda sa mata ng publiko at sa mata ng Diyos ang video na kumakalat ngayon sa social media na tila nadala sa kademonyohan ang dalawang pari sa “Ngiwi Challenge” na ­nagpapakita ng malisyosong paninira laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pangunguna ni retired Comelec Commissioner Rowena Guanzon na matapos hindi magwagi sa kanyang maitim na balak na ma-disqualify si BBM ay samut saring “act of unprofessionalism” ang naging kilos nito bagay na tinawanan lamang ng sambayanan.

Kaugnay nito, nanawagan ang pinuno ng Simbahang ­Katolika na si Pope Francis sa mga alagad ng simbahan na huwag gamitin ang krus sa isang bagay ng debosyon lalo na sa pampulitika, bilang simbolo at tanda ng pagiging relihiyoso at panlipunang katayuan.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

460

Related posts

Leave a Comment