Palasyo tikom pa rin PRESYO NG SINOVAC HINDI IHAHAYAG

ANOMAN ang mangyari ay mananatiling tikom ang bibig ng mga opisyales ng gobyerno na kinukuwestiyon ukol sa kung magkano ba talaga ang presyo ng Sinovac.

Ito ang naging pahayag ng Malakanyang sa harap na rin ng pagdududa na nangangamoy korupsiyon ang pagkakaiba ng presyo ng bakuna na aangkatin ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi talaga maaaring matanggal ang confidentiality agreement na aniya’y standard sa halos lahat ng kontrata at alam aniya ito ng mga abogado.

Sinabi nito na hangga’t walang deed of sale o ang supply agreement ay mananatiling sikreto ang aktuwal na halaga ng bakunang Sinovac na made in China.

Subalit, pahapyaw ni Sec. Roque, hindi naman nalalayo sa P650 ang halaga ng Sinovac na inangkat din ng Indonesia at Turkey. (CHRISTIAN DALE)

112

Related posts

Leave a Comment