Pamemeke sa covid test result buking DINOKTOR NI DOC?

NANGANGANIB matanggalan ng lisensya bilang doktor ang tagapamahala at chief executive officer (CEO) ng isang diagnostic laboratory sa Valenzuela City.

Ito ay matapos sampahan ng kasong kriminal ang manggagamot dahil sa pamemeke umano ng resulta ng COVID-19 swab test base sa sumbong mismo ng isang tauhan at reklamo ng kapwa doktor.

Kasong administratibo ang unang isinampa ni Dr. Alma Radovan-Onia, medical director ng Marilao Medical and Diagnostic Clinic Inc. (MMDCI) sa Professional Regulation Commission (PRC) laban kay Dr. Jovith Royales, CEO ng Best Care Medical and Diagnostic Clinic, para alisan ito ng lisensya.

Nakasaad sa sinumpaang salaysay at reklamo ni Onia na nagkaroon sila ng ‘verbal’ na kasunduan ni Royales na magdadala sa MMDCI ng specimen galing sa mga kumokonsulta sa Best Care gamit ang COVID-19 test kits mula sa MMDCI.

Huminto ang dating ng specimen mula sa Best Care sa laboratoryo ng MMDCI para sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) swab testing noong Oktubre 13 ng nagdaang taon at noon na rin natuklasan ni Onia ang sinasabing pamemeke ng resulta ng swab test ng Best Care nang “kumanta” ang medical technologist nitong si Dennil John Abucejo.

Batay sa sinumpaang salaysan ni Abucejo, nagpatuloy sa pagtanggap ng specimen ang Best Care na hanggang Disyembre 1 ng nakalipas na taon para sa COVID-19 testing, na isinasagawa sa laboratory nito sa sa Brgy. Karuhatan.

Tuluyan na ring ikinanta ito ni Abucejo bunsod ng mga reklamo mula sa mga nagpasuri dahil inayawan ng mga ahensya ng gobyerno ang dala nilang swab test results mula sa Best Care, nang malamang wala itong License to Operate para sa COVID-19 testing laboratory, at minandohan umano ulit siya ni Royales na mag-print ng mga resulta ng RT-PCR tests sa mga letterhead ng MMDCI. (ALAIN AJERO)

172

Related posts

Leave a Comment