DUMAGSA ang mga mamimili kahapon na mistulang hindi panahon ng pandemya upang masiguro na mayroon silang sapat na pagkain para sa dalawang linggong pag-iral ng modefied enhanced
community quarantine sa kalakhang Maynila at mga karatig na lalawigan.
Dahil dito, hindi naiwasang mangamba ang ilan sa posibleng pagkalat na naman ng COVID-19 dahil maraming mga pamilihan ang hindi na nasunod ang social distancing dahil sa buhos ng tao.
Agad namang pinakalma ng Malacañang ang publiko at pinaalalahanan na huwag mag-panic buying.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sapat ang supply ng pagkain sa mga grocery at mga palengke.
“Well, mga kababayan, wala pong dahilan para po tayo ay mag-panic buying. Unang-una, ito pong pagsara natin muli, ito’y katugunan natin doon sa kahilingan ng ating mga frontliners na
kinakailangan lang nila ng break. Ibig sabihin po wala talaga tayong planong mag-lockdown.
Ang ating supply po’y napakataas. Ang ating supply po ay nadeliver na po sa ating mga supermarkets anticipating na mas mataas po ang demands so mas marami po talagang stocks ang
ating mga supermarkets,” ani Sec. Roque.
Hinay-hinay lang po. No need to panic,” dagdag pa ng kalihim. (CHRISTIAN DALE)
