PAMILYA NA APEKTADO NG MANILA BAY REHAB MAY LILIPATAN – PPA

PPA General Manager Jay Daniel Santiago

(Ni ABBY MENDOZA)

TINIYAK ng Philippine Ports Authority (PPA) na may malilipatan ang may 2,000 pamilya na nakatira sa Isla Puting Bato sa Tondo Maynila kasunod ng isinasagawang Manila Bay Clean Up.

Ang pagtiyak ay ginawa ng PPA matapos humarap House-Oversight Committee Hearing na ipinatawag ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kaugnay sa magiging aksyon sa mga residente na apektado ng rehabilitasyon.

Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, ibibigay ng PPA ang 5 hektaryang lupa sa Tondo, Maynila para mapaglipatan ng mga informal settlers.

Naglaan rin umano ang ahensya ng P1M  para sa social preparation ng mga residente bago ang paglilipat ng mga ito.

Samantala, sinabi ni Isla Puting Bato Barangay Chairman Bryan Mondejar, na napawi na ang kanilang agam-agam na malilipat sila sa mga lalawigan dahil sa Manila Bay rehabilitation, kung sa Tondo rin sila malilipat ay malaking kaginhawahan ito sa kanilang hanay lalo at nasa Maynila ang trabaho ng mga residente.

235

Related posts

Leave a Comment