Panalo ng 433 bettors kaduda-duda PCSO IIMBESTIGAHAN SA LOTTO DRAW

(NOEL ABUEL)

IIMBESTIGAHAN ng Senado ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa kaduda-dudang pagkakapanalo sa PCSO Grand Lotto draw noong Sabado ng 433 indibidwal.

Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, ihahain nito sa Senado ang resolusyon para isailalim sa audit at imbestigahan ang gaming activities ng PCSO kasama na ang lotto games, upang masiguro ang integridad at proteksyon ng milyun-milyong Pilipino na tumataya sa lotto.

“I will file a resolution, because this is my concern, these lotto games are authorized by the Republic of the Philippines. Therefore, we need to maintain and protect the integrity of these gambling games that we have authorized,” sabi ng senador.

Tinawag ni Pimentel na “strange and unusual” ang resulta ng PCSO Grand Lotto draw kung saan 433 bettors ang nanalo at maghahati sa P236 million jackpot.

“Kataka-taka ‘yung result na ‘yan. ‘Yung 433 ang mananalo, supposed to be ang chances mo diyan is 1 in how many millions. So ibig sabihin, ganun kahirap dapat tamaan ‘yan and then to say na 433 ang tumama, there is something suspicious,” pahayag ni Pimentel sa isang panayam sa radyo.

“Talagang marami po ang nagtaka, na medyo nagulat because statistically speaking, this is a very rare event. Let us take this opportunity to investigate so that ang purpose natin is to ensure the integrity of our lotto games,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Pimentel na hihingin nito ang opinyon ng mga statisticians, mathematicians at professors hinggil sa resulta ng PCSO draws.

“Tanungin natin ang PCSO kung mga lucky pick (LP) ba itong mga winners na ito, that means system-generated ‘yung number nu’ng tumaya pero therefore there is nothing random about their LP kasi ibig sabihin nu’n binigay nila sa 400 plus katao, umulit-ulit. Millions po ang combination diyan,” paliwanag pa nito.

Dinagdag pa ni Pimentel na minsan na rin nitong napansin sa isang lotto draw na 10 ang nanalo sa 6 digit draw.

“Meron na kasi akong napansin noon sa draw nila sa isang 6 digit, may 10 winners. So para sa akin, bihira na nga ang may 2 winners, bihira na nga ang may pinakamalaking number na nga ng winners nila dun sa 6 digits nila is 3 winners nagkaroon ng isang instance na 10 winners. Nakakapagtaka na para sa akin ‘yun. At 6 digits, which is one in a one million ‘yung probability,” paliwanag pa nito.

233

Related posts

Leave a Comment