(JESSE KABEL)
WALO sa bawat 10 Pilipino ang kumbinsidong kapani-paniwala ang resulta sa ginanap na halalan para sa posisyon ng Pangulo nito lamang nakalipas na Mayo.
Sa isang survey na nilahukan ng hindi bababa sa 1,200 respondents sa pangangasiwa ng Pulse Asia nitong nakaraang Hunyo, lumalabas na 85% ng mga natanong ang nagsabing may kredibilidad at naging malinis ang halalan.
“The June 24 to 27 poll found that 82 percent of respondents had ‘big trust’ of the outcome of the national and local elections, in which trust is most pronounced in Mindanao (96%) and least expressed in Luzon (73%).”
Batay sa resulta ng pangangalap ng datos na inilabas matapos ideklarang wagi sina Ferdinand Marcos Jr. at katambal nitong si dating Davao City Mayor Sara Duterte, siyam sa bawat 10 Pilipinong nasa hustong gulang ang nagsabing kuntento sila sa resulta ng halalan, habang 8 sa bawat 10 tinanong ang nagsabing malaki ang tiwala nila sa naganap na halalan.
Sa larangan ng pagbabalita noong panahon ng kampanyang kalakip ng halalan, 32% ang naniniwalang hindi naging patas ang media sa pag-uulat ng mga kaganapan sa nasabing panahon. Nasa 41% naman ang hindi sumang-ayon.
Samantala, nasa 14% ng mga respondents ang umiwas sagutin ang katanungan hinggil sa tiwala sa demokratikong proseso gamit ang balota.
Sa usapin ng automated election system, 89% naman ang kumbinsidong epektibo at mas madali ang isinagawang botohan gamit ang makabagong teknolohiya, habang may 11% naman ang nagsabing hindi sila natuwa sa aberyang idinulot ng mga vote-counting machines (VCM) na ginamit ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2022 general elections.
Ang survey na isinagawa sa parang “face-to-face” ay sinasabing may margin of error na ±2.8%.
