PANANAW NI PADILLA SA MENTAL HEALTH MAPANGANIB – SOLONS

BINATIKOS ng Gabriela at Kabataan Party-list si Senador Robin Padilla matapos sabihing “weak” ang kabataan ngayon dahil sa usapin ng mental health.

Ayon kay Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago, maling sabihing kahinaan ang pag-amin ng depresyon at iba pang mental health issues.

“Matagal na itong umiiral, ngunit noon ay nababalot lamang ng katahimikan, stigma, at kakulangan ng kaalaman. Hindi kahinaan ang pag-amin sa mental health problems,” giit ni Elago.

Dagdag pa nito, tungkulin ng mga mambabatas na pakinggan at unawain ang kabataan sa halip na patahimikin ang mga ito.

Para naman kay Kabataan Party-list Rep. Renee Co, hindi maituturing na mahina ang Gen Z kundi mas matatag pa dahil sa kakayahan nitong kilalanin ang mga problema at makibaka para sa pagbabago.

“Recognizing problems is not weakness. Gen Z is strong enough to see that and fight for change,” pahayag ni Co.

(TINA MENDOZA)

2

Related posts

Leave a Comment