Panawagan ng CoTeSCUP SIBAKAN, BAWAS SUWELDO SA MGA PROPESOR ITIGIL

NANAWAGAN ang Coalition of Teachers and Staff of Colleges and Universities of the Philippines (CoTeSCUP) sa mga may-ari at namamahala ng mga pribadong unibersidad at kolehiyo sa bansa na huwag ituloy ang pagtanggal sa trabaho at pagbabawas sa sahod ng mga propesor, instraktor at kawani ng kanilang mga paaralan.

Sa panayam, idiniin ni Prop. Rene Tadle, lead convenor ng CoTeSCUP, kawawang-kawawa ang buhay ng mga propesor, instraktor at empleyado na mawawalan ng trabaho sa pagsisimula ng pasukan sa kolehiyo ngayong Agosto.

Ani Tadle, kabilang sa apektadong mga guro at kawani ay ang mga nagtatrabaho sa isang unibersidad sa Mendiola at isa pa sa Intramuros (parehong nasa Maynila) na ‘ginigipit’ ang mga guro na tanggapin ang alok na “early retirement.”

Sa kalatas ng CoTeSCUP, ipinaliwanag ni Tadle na: “While we understand the adversities faced by [the] administration in the private colleges and universities, we are nonetheless concerned at actual and threatened retrenchments of employees, reduction of wages and benefits, denigration of job security and lack of worker voice in the policies being crafted.” “Indeed, private schools will incur losses due to the impact of COVID – 19.

But these losses are not substantial as to cause any potential risk of financial distress, unless management can prove otherwise through an objective assessment of its financial condition,” patuloy ni Tadle.

Dahil dito, nanawagan siya sa mga may-ari at namamahala ng mga pribadong unibersidad at kolehiyo sa bansa na “stop, or timeout, on layoffs and wage cuts in private schools.”

Naninindigan ang CoTeSCUP na hindi makatarungan at lalong hindi makatao ang desisyon ng pamunuan ng mga pribadong paaralan.

Ayon kay Tadle, sa direktiba ni Labor Secretary Sylvestre Bello III, ang Department Order 213, Labor

Advisory 9 at 17 sa mga manggagawa, ang naging batayan ng mga may-ari at namamahala sa mga unibersidad at kolehiyo na magtanggal ng mga empleyado, magbawas sa kikitain ng mga propesor,

instraktor at empleyado at iba pang iskema na mawawalan sila ng trabaho, o mababawasan ang kita.

Umaasa rin ang CoTeSCUP na matutulungan ng administrasyong Duterte ang kanilang hanay, kung kasama ang sektor ng edukasyon sa mungkahing Bayanihan to Heal as One. Tinatapos na ang panukalang ito sa Bicameral Conference Committee (Bicam) ng Kongreso.

(NELSON S. BADILLA)

231

Related posts

Leave a Comment