Pangako ng MMDA chairman MM LILINISIN, PAGAGANDAHIN

KATULAD ng mga dating pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nangako si Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na lilinisin ang Kalakhang Maynila kahit na masahol pa rin ang bilang ng mga nagkakaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bilang patotoo sa pangako ng MMDA chairman, sinimulan nitong Martes ng ahensiya ang paglilinis sa Estero de Tripa de Gallina, sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lunsod ng Maynila.

Bukod sa paglilinis, pagagandahin pa ng MMDA ang Metro Manila (MM). Ang proyektong ito ay tinawag na “Metro Bayanihan: I ❤️ MM”.

Maliban sa paglilinis ng mga estero, ang iba pang eksaktong gagawin sa nasabing proyekto ay ang mas maigting na “sidewalk clearing operations, cleaning of waterways, anti-littering and anti-dengue drive” na naglalayong isulong ang “general cleanliness of Metro Manila and well-being of its residents”.

Wika ni Abalos: “[MMDA] is closely coordinating with the local government units in Metro Manila to make sure that the massive and intensified clean-up is inclusive and can cover not only major thoroughfares, but all barangays in the National Capital Region”. (NELSON S. BADILLA)

445

Related posts

Leave a Comment