PANGAKONG POLITIKO

MATAPOS ang unos, kanya-kanyang paandar ang mga pulitiko. May mga agad na tumugon at nagpadala ng tulong tulad ng pagkain, tubig, gamot at iba pang pangangailangan. Mayroon din namang sinamantala ang pagkakataon para tuligsain ang pamahalaan.

Pero iba ang estilo ng Pangulo. Sa pag-iikot sa himpapawid sakay ng eroplano, nakita niya ang lawak ng pinsalang dala ng bagyo – halos maubos ang kabahayan sukdulang burahin ang mga pamayanan. Kaya naman ang

kanyang pangako – bahay sa mga sinalanta ng delubyo.

Susmaryosep, bulalas ng mga tao!

Bakit nga naman hindi magugulat sa pangakong matabang at salat. Sa nalalabing panahon niya sa Palasyo, imposibleng maisakatuparan ang usal ng Pangulo. Kakayanin bang makapagpatayo ng milyong tahanan sa loob lamang ng apat at kalahating buwan?

Kung pagbabatayan ang kanyang mga pahayag bago niya isinapubliko ang pangakong pabahay, sinabi niyang simot na ang kaban ng pamahalaan. Kung ganun, saan kukuha ng pondong panustos sa pagpapatayo ng mga bahay?

At sakaling magawan naman ng ­paraan ang perang kailangan, kailangan muna ang pagsang-ayon ng mga senador at kinatawan. Gaano katagal nga ba bago lumusot ang isang panukala sa Kongreso – isa, dalawa, tatlong buwan o higit pa?

Ipagpalagay nang aprub na sa ­Kongreso, gaano kahabang proseso ba ang kailangang gugulin sa sistemang burukrasya ng pamahalaan?

At ang aktuwal na paggawa ng mga pangakong pabahay, overnight lang ba?

Sa madaling salita, ‘wag umasa. Pangakong pulitiko lang yan, lalo pa’t uso naman ang pangakuan sa tuwing sasapit ang panahon ng halalan.

‘Yung pangakuan tayo ay sapat na. Kung hahanapin pa ang katuparan, kalabisan na yan!

177

Related posts

Leave a Comment