APPROVED na sa third and final reading ang panukalang P6.793 trillion 2026 national budget.
Sa botong 17 senador na pumabor, walang tumutol at walang nag-abstain, inaprubahan na ng Senado ang House Bill 4058 o ang General Appropriations Bill.
Tulad ng mga naunang deklarasyon ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon sa panukalang pambansang pondo.
Samantala, tiniyak ni Senate President Vicente Tito Sotto III na hindi sila papayag na hindi matuloy ang livestream ng proseso ng bicameral conference committee meeting sa panukalang budget.
Sinabi ni Sotto na malinaw ang napag-usapan nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ipakita sa publiko ang proseso ng budget.
“Hindi, hindi, hindi. Walang kinalaman sa laman, gusto namin, naka-open, kitang-kita ng publiko, sinu-sino naglagay ng ganito, sinu-sino yung nagpasok niyan, anong budget para sa mga tatlong pinakamahalaga, DepEd, DOH, Agriculture,” pahayag ni Sotto nang tanungin kung papayagang hindi matuloy ang livestreaming ng budget.
(DANG SAMSON-GARCIA)
78
