Para maiwasan ang umpukan WALA MUNANG CHRISTMAS TREES, DECORS SA MGA PARKE SA VALENZUELA

HINARANG ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang mga nagbabalak na magkumpulan ngayong panahon ng Kapaskuhan.

“Sa mga nagtatanong bakit wala pa din ang mga Christmas trees and decorations sa mga parks natin na taon-taon nating nilalagay, this year we will not put them up. We have to make sure that we do not encourage convergence of people that will cause more COVID transmission. Same with the food fiesta that we do annually,” sabi ng alkalde.

“Also, we want to prioritize our COVID response spending – testing, tracing and treatment,” patuloy niya.

Dagdag pa ni Gatchalian, ang hakbang ay pagsabay na rin sa hinihingi ng panahon, sapagkat dumami ang nagdarahop dahil sa COVID-19.

“Hoping that next year we can go back to regular programming over Christmas. Valenzuelanos, thank you for understanding,” pagwawakas ng punong-lungsod. (ALAIN AJERO)

119

Related posts

Leave a Comment