Para makontrol paglaganap muli ng COVID VACCINATION SITES, BUKSAN SA LAHAT NG WALK-INS

UPANG makontrol ang paglaganap muli ng coronavirus disease 2019 o COVID-19, kailangang buksan na sa lahat ang vaccination sites para mabigyan ng boosters shot ang lahat.

“We need to open our vaccination sites for walk-ins, for everybody, regardless of the city or province they are coming from,” giit ni Anakalusugan Party-list Rep. Ray Florence Reyes.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag nang umabot na sa mahigit 10,000 ang COVID-19 active cases sa bansa base sa report ng Department of Health (DOH).

Sinabi ng mababatas, kailangan mabigyan ng booster shot ang lahat ng mga tao dahil habang tumatagal ay humihina ang bisa ng primary doses ng COVID-19 vaccines.

Upang masolusyunan aniya ito, kailangang lahat ng local government units (LGUs) ay tanggapin ang walks-ins na gustong magkaroon ng booster shot dahil sa ngayon ay iilan lamang aniya ang gumagawa nito.

“So far cities like Makati, Mandaluyong, Cagayan de Oro, and the Municipality of Pateros has accepted non-residents for walk-in COVID-19 jabs. Meanwhile, the province of Batangas accept walk-ins for COVID-19 booster shots,” pahayag ni Reyes.

Nangangahulugan na hindi tinatanggap ng mas nakararaming LGUs ang walk-ins na hindi nila constituent kaya dapat umanong baguhin na ang sistema upang mas marami ang mababakunahan. (BERNARD TAGUINOD)

123

Related posts

Leave a Comment