Para mapaluwag mga kalsada 7AM-4PM WORKING HOURS SA GOV’T OFFICES ITINULAK

MASUSING pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang rekomendasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na i-adjust ang working hours ng national government agencies sa National Capital Region (NCR) upang maibsan ang mabigat na trapiko.

“Well, we’re studying it. If it works, we’ll do it. But we have to, it’s not enough to talk to the traffic enforcers and the administrators of traffic that have made the suggestion,” ayon sa Pangulo sa isang ambush interview matapos dumalo sa paglulunsad ng TESLA Center Philippines sa Tesla Center, Uptown Parade, Uptown Bonifacio, BGC Fort Bonifacio, Taguig City, araw ng Lunes, Enero 20.

Kailangan din aniya na tanungin ang commuting public kung praktikal para sa mga ito ang nasabing rekomendasyon.

“So, if turns out that everyone agrees to it then I cannot see why it will be a problem,” dagdag na wika ng Pangulo.

Sa ulat, naniniwala si MMDA Chairperson Romando Artes na kung lahat ng ahensya ng pamahalaan ay magpapatupad ng 7am to 4pm working hours, mararamdaman talaga ang magandang epekto nito.

Idinagdag ni Artes na posibleng magsumite sila ng report at rekomendasyon sa Office of the President.

Halos dalawang milyong empleyado aniya ang inaasahang makaiiwas sa bugso ng mga commuter sa kasagsagan ng matinding trapik tuwing alas singko ng hapon hanggang alas otso ng gabi, kapag inaprubahan ang kanilang rekomendasyon. (CHRISTIAN DALE)

104

Related posts

Leave a Comment