HINIKAYAT ng chairman ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee, ang stakeholders na magsagawa ng dialogue para matugunan ang kakulangan ng nurses sa government hospitals.
“We should have a dialogue first, then craft a workable strategy to address the shortage, with the view towards implementing a long-term solution instead of temporary measures,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles.
Ito ang komento ni Nograles matapos na magplano si Health Secretary Teodoro Herbosa na i-tap ang unlicensed nurses para mapunan ang mga bakante sa public health institutions.
Ang nasabing proposal ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Samantala, nilinaw ng Professional Regulation Commission noong nakaraang Huwebes, ang nursing graduates na hindi nakapasa sa board exam ay hindi binibigyan ng temporary or special licenses para magtrabaho sa government hospitals.
Ayon kay Nograles, ang kaguluhan na nangingibabaw sa nasabing isyu ay kailangang mabawasan, sa pamamagitan ng “a meaningful consultation with stakeholders.”
Sinabi pa ng mambabatas, ‘in moving forward’, ang government agencies kabilang ang Department of Health, Department of Labor and Employment, budget department, at local government units, kasama ang iba pang stakeholders ng health sector, ay dapat na agad magsagawa ng formal dialogue kung paano tutugunan ang isyu.
“Kailangan pag-usapan ang mga isyu gaya ng nurse to patient ratio, working hours, salary, at iba pa.”
“What is stopping us from hiring more nurses? Let’s identify these barriers and closely collaborate to find a solution that we can implement,” dagdag pa niya.
Binanggit pa ni Nograles, nakahanda siya para makisali sa mga pag-uusap bilang miyembro ng Kongreso.
“Sasama tayo para magbigay ng suporta, lalong-lalo na kung makita na kailangan natin ng batas na magtataguyod sa mga solusyong maiisip natin,” pahabol pa ni Nograles.
(JOEL O. AMONGO)
