Nakapag-ambag ng karagdagang kita ang Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng kanilang Post Clearance Audit Group (PCAG) na nagkakahalaga ng P247,369,347.16 mula Enero hanggang Pebrero 2021.
Ito ay resulta ng kanilang post-clearance audit verification and investigation laban sa importers na pinaghihinalaang may paglabag sa probisyon ng RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ayon sa PCAG, anim (6) na oustanding Final Demand letters ang nakulekta at apatnaput walong (48) applications para sa Prior Disclosure Program (PDP) ang nai-file mula Enero hanggang Pebrero 2021.
Sa kabuuang PDPs na nai-file, 31 dito ay mula Mechanically Deboned Meat (MDM) importers sa ilalim ng audit tallying na may kabuuang Php 67,596,830.74, habang ang 13 PDP applications ay mula sa Rice importers sa ilalim ng audit na may halagang Php 6,741,407.0.
Base pa sa report ng PCAG, sa status ng dating inisyung ANLs na may anim (6) na PDP applications ang naaprubahan at pitong (7) Final Audit Reports (FAR) ang nakumpleto.
Ito ay resulta sa inisyung anim (6) na bagong Demand Letters na may halagang Php 41,173,506.53 at isang (1) Clean Report Findings.
Ang Demand Letters ay magiging pinal at hinihiling na pagkalipas ng labing limang (15) araw mula sa ‘receipt thereof’ ng importer.
Samantala, 28 ANLs ang inisyu mula Enero hanggang Pebrero 2021, labing pito (17) dito ay pawang importers sa coffee industry, sampu (10) sa oil at petroleum industry, at isang (1) consignee na inisyuhan ng ANL dahil sa pagsunod sa isyu na nakabase sa isinagawang profiling.
Kaugnay nito, ang Post Clearance Audit Group ay umaasa na makakakulekta pa sila ng kita mula sa post-clearance activities para sa natitira pang buwan ng 2021.
Sa kasalukuyan, may labing isang (11) outstanding Final Demand Letters na may halagang Php 6.9 billion na nananatiling hindi pa bayad at nakatakda nilang ipasa sa BOC Legal Service para sa pagsasampa ng kaukulang collection suit.
Ang Bureau of Customs ay nananatili sa pangako na ipatupad ang kanilang mandato na protektahan ang kita ng gobyerno sa pamamagitan ng pagpigil sa lahat ng illegal at irregular activities ng unscrupulous importers sa pagpapalakas ng pagsisikap ng post-clearance audit ng Bureau. (Joel O. Amongo)
182 