Para sa ligtas na Semana Santa HIGIT 40K PULIS IKAKALAT NG PNP NATIONWIDE

INIHAYAG ni PNP Spokesperson Police Brig General Jean Fajardo, na aabot sa kabuuang 40,283 pulis ang ipakakalat sa buong bansa sa paggunita ng Semana Santa para sa ligtas na summer vacation o SUMVAC sa buong Pilipinas.

Ayon kay Fajardo, ang mga pulis ay itatalaga sa transportation hubs, mga pangunahing daan, tourist spots at mga simbahan.

Naka-heightened alert ang buong PNP simula noong Abril 01, na nangangahulugan na 75 porsyento na ang deployment ng kanilang pwersa at bawal umabsent.

Wala na ring pinayagang mag-leave sa mga pulis maliban na lamang kung emergency ang dahilan.

Sinabi ni Fajardo, na ang pagde-deploy ng sapat na bilang ng mga pulis ay upang matiyak ang seguridad at kaayusan ngayong Mahal na araw gayundin ang masayang summer vacation ng mamamayan na inaasahang dadagsa sa mga beach at kilalang pasyalan sa buong bansa.

Nauna nang ipinag-utos ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang pagpapalawig ng karaniwang 12-oras na shifting ng mga pulis, kung kinakailangan, batay sa sitwasyon sa kani-kanilang mga lugar.

(TOTO NABAJA)

25

Related posts

Leave a Comment