Para sa mga empleyado at kanilang mga kaanak P50-M COVID-19 VACCINES BIBILHIN NG KAMARA

BIBILI ng sariling COVID-19 vaccines ang mababang kapulungan ng Kongreso para mabakunahan ang mga empleyado kasama ang kanilang pamilya at mga miyembro ng media.
“For Congress we decided… for normalcy of business in Congress, we decided to set aside certain amounts for purchasing of vaccines for our employees,” pahayag ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Ayon kay Velasco, P50 million ang inisyal na pondong inilaan ng mga ito para mabakunahan ang 2,000 empleyado ng Kamara, kasama ang 5 miyembro ng kanilang pamilya.

“And siyempre, naisip ko rin po ang ating media friends. We also consider you as our family, and we will include our media friends to be part of the vaccines,” ayon pa sa House leader.
Hindi umano kasama sa mabebenepisyuhan sa bibilhing bakuna ng Kamara ang 300 mambabatas dahil uunahin aniya ang mga empleyado.

“Members of the House, di muna. We’ll start to get the vaccines first for the employees and the media, and their families. Kung may matira, that’s the time we’ll use them for the House members,” ani Velasco.

Hindi nagbigay ng impormasyon si Velasco kung kailan bibili ang mga ito ng bakuna subalit sa lalong madaling panahon umano ito gagawin dahil ang ibang bansa ay nagsisimula nang bakunahan ang kanilang mamamayan.

Magugunita na umaabot sa 191 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Kamara mula noong Marso kung saan 98 ay naitala noong Nobyembre matapos magsagawa ng mass testing ang Kapulungan.
Kasama sa mga tinamaan ng COVID-19 ang 10 congressmen kung saan dalawa sa mga ito ay nasawi sa katauhan nina Senior Citizen party-list Rep. Francisco Datol Jr. at Sorsogon Rep. Bernardita Ramos.

Sa ngayon ay hindi pa rin normal ang pasok sa Kamara dahil mayorya sa mga empleyado ay naka-work-from-home. (BERNARD TAGUINOD)

104

Related posts

Leave a Comment