IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pantay na distribusyon ng iba’t ibang brand ng coronavirus vaccines sa bansa.
Dismayado kasi si Pangulong Duterte sa pagiging “choosy” ng karamihan sa mamamayang Filipino kung saan may ilan pa na nagsabi na magpapabakuna lang sila kung Pfizer ang ituturok sa kanila.
Sa kanyang Talk to the People, Miyerkoles ng gabi, iginiit ng pangulo na hindi dapat maging mapili ngayon ang mamamayan sa brand ng bakuna lalo na’t limitado lamang ang suplay sa bansa.
Nananatili naman si Pangulong Duterte sa kanyang posisyon na kailangan mayroong “fair and equitable access” sa mga bakuna na available sa bansa.
Aniya, ang mga bakunang nabigyan ng emergency use approval (EUA) sa bansa ay napatunayang ligtas at epektibo sa clinical trials.
“There must be equality in everything. Kung sana maraming Pfizer tapos hindi maibigay sa inyo, then you have every reason to complain.
But if it is a limited number tapos gusto ninyo sa inyo lang, hindi puwede ‘yan. So ang order ko is to mix,” ayon sa pangulo. (CHRISTIAN DALE)
