(ANN ESTERNON)
ANG kalawang ay kumakapit sa mga bakal. Ang kulay nito ay orange-brown na namumuo nang husto na pwedeng magsimula nang unti-unti o biglaang pagkapal nito na magreresulta sa pagkasira ng bakal.
Ang tubig at hangin ang mga bagay na numero unong pinagsisimulan ng kalawang ng mga bakal.
Kapag ang bakal ay lantad din sa sulfur oxide at carbon dioxide nasisira rin ito nang unti-unti.
Ang kalawang ay resulta ng isang electrochemical reaction na katulad ng isang battery; ang bakal ay nagiging iron oxide na may tubig na siyang electrolyte, dahilan para magkaroon ng kuryente habang nasa proseso ito. Kaya naman ang salt water ay mas madaling makakalawang kumpara sa fresh water; ang ions ay mas malayang nakakagalaw, na mas mahusay na electrolyte.
Kapag kinalawang na ang isang bakal ay mahirap itong maayos at kadalasan ay magastos – maging ito man ay kalawang sa mga sasakyan, appliances, tools at iba pa. Kaya ang ipinapayo ay huwag hayaang magsama-sama ang bakal, tubig at hangin.
Para maiwasang kalawangin ang mga bakal partikular sa inyong tahanan, sundin lamang ang mga sumusunod:
– Ilayo ang tubig dito.
– Panatilihing tuyo ang pinaglalagyan ng gamit na yari sa bakal tulad ng hawakan ng timba, tools, iron rod, at iba pa.
– Pinturahan ang bakal gamit ang durable acrylic paint at huwag gumamit ng water-soluble na mga pintura dahil lalo lamang kakapitan ng kalawang ang anumang bakal. Maiging ang pinturang gagamitin ay oil-based o oil-based enamel paint.
– Kung walang pintura, gamitan o pahiran ito ng wax o mantika (pwede rin ang gamit nang mantika na ginamit sa pagluluto).
– Maaari ring gamitan ito ng powder coating. Tinatawag itong powder kapag ang dry powder ay pantay na nailalagay sa clean surface. At dito ang object ay pinapainitan kaya ang powder ay nagiging manipis na film. May mga shop na nagbibigay ng serbisyong ganito para maalagaan ang inyong mga bakal.
– Ikonsidera rin ang galvanization. Ang galvanization ay isa pang opsyon kung paano maiwasan ang kalawang. Sa prosesong ito, nakakakuha ang bakal ng protective coating ng zinc. Ang zinc ay hindi nasisira nang madali tulad ng bakal o iron alloys. Kung ang kalawang ay nagsisimulang mabuo sa bakal, ang zinc coating ang mag-a-absorb nito, para ito ay hindi na kumalat pa. Ang galvanization ay epektibo at abot-kaya, ngunit hindi ito basta-bastang magagawa ng sinuman sa bahay.
Ngayong tag-ulan maging maingat at maalaga sa inyong mga kagamitang yari sa bakal. Halimbawa, matapos na gamitin ang sasakyan o kahit ang bisikleta ay agad na linisan ito lalo na kung may tubig.
Ganoon din sa mga gamit sa bahay, dapat regular itong nalilinisan at naiiwas sa mga basa o tilamsik ng anumang likido.
PAGTANGGAL NG KALAWANG
Dahil magastos ang magpatanggal ng mga kalawang may ilang tips para magawan ito ng solusyon:
Asin at Kalamansi
- Ihanda ang asin at kalamansi. Kung walang kalamansi, pwedeng ipalit dito ang lime, lemon, o dalandan.
- Lagyan ng asin ang parteng may kalawang at pigaan ito ng kalamansi hanggang sa pwedeng mababad ito. Hayaan lamang ng 2-3 oras at tanggalin ang kalawang gamit ang balat ng kalamansi.
Lemon Juice at Suka
Ang mga ito ay pwedeng mahusay na acidic solutions. Kailangang masamahan din ito ng patatas. Pwedeng ibudbod ang asin o baking soda sa patatas at ikuskos sa area kung nasaan ang kalawang. Ang oxalic acid sa patatas ay nakakatunaw ng kalawang.
SODA
May? ibang bansa na ginagamit ang mga darker soda o soft drinks dahil taglay ng mga ito ang phosphoric acid para makatunaw at makatanggal sa nakakapit na kalawang sa bakal.
Iwasang gumamit ng muriatic acid sa pagtanggal ng kalawang dahil maaaring matanggal ang kalawang ngunit peligroso naman ito sa kalusugan na maaaring malanghap, matalsikan nito na maaari ninyong ikapahamak.
Kung nanghihinayang sa gamit na kinalawang maiging tanggalin agad ang kalawang dito. Siguraduhin lamang na gagamit kayo ng gloves, proteksyon sa mata upang maiwasang malagyan ang kamay at mata ng kalawang.
Kung masyado nang malala ang kalawang na kumapit sa bakal ay maka¬bubuting itapon na lamang ito dahil maaaring pagsimulan ng impeksyon dala ng tetano.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)