PASLIT NALUNOD SA HUKAY NA MAY TUBIG

CAVITE – Hinihinalang nahulog at nalunod ang isang 4-anyos na lalaking paslit nang matagpuan ito mula sa isang hukay na may tubig sa isang covered court na under construction sa Trece Martires City noong Miyerkoles ng hapon.

Isinugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Larz Salem Celestino ng Trece Martires City, nagtungo umano ang biktima at isa pang menor de edad na kaibigan nito sa covered court sa Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City na under construction at sila ay naglaro.

Dakong alas-4:00 kamakalawa ng hapon mang natuklasan ni Joenard Aquino Peñascosas ang biktima sa ilalim ng isang hukay na may lamang tubig ngunit hindi na humihinga.

Pinaniniwalaang nahulog ang biktima sa hukay habang naglalaro kasama ng isa pang bata, ngunit hindi na nakaahon.

228

Related posts

Leave a Comment