PASTOR APOLLO QUIBOLOY, DINALA SA PRIVATE HOSPITAL

NAKA-CONFINE sa isang private hospital sa Pasig City si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader, Pastor Apollo Quiboloy nang ma-diagnosed na may pneumonia kahapon, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Mula sa pampublikong pagamutan, inilipat umano patungong pribadong ospital si Quiboloy na na-diagnose na may pneumonia.

Ayon pa kay BJMP spokesman Jayrex Bustinera, una na raw dinala si Quiboloy sa Rizal Medical Center noong Sabado, Enero 18.

Ngunit dahil sa limitadong pasilidad, inirekomenda raw ng mga doktor na ilipat ang pastor sa gusto nitong ospital.

Matatandaang dinala na rin sa ospital si Quiboloy noong Nobyembre 2024 dahil umano sa “irregular heartbeat” nito na maaaring ituring na “life threatening.”

Si Quiboloy ay nakakulong sa Pasig City Jail bunsod ng kinahaharap nitong qualified human trafficking case na dinidinig sa Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159. (JESSE KABEL RUIZ)

55

Related posts

Leave a Comment