PASYENTE NAG-SUICIDE SA OSPITAL NG MAYNILA

NALASOG ang katawan ng isang 47-anyos na lalaking pasyente makaraang tumalon mula sa ika-6 palapag ng Ospital ng Maynila.

Kinilala ang biktimang si Erwin Ricoplaza, residente ng Sampaloc, Maynila na bumagsak ang katawan sa ikalawang palapag ng nasabing ospital.

Ayon sa ulat ni Det. Jay Irene Manalili ng Manila Police District-Homicide Section, nangyari ang insidente bandang alas-10:15 ng gabi noong Miyerkoles.

Kasama umano ng biktima ang kanyang pinsan na si Denmarie Gatchalian at naghihintay sa pagbukas ng elevator nang biglang tumakbo ang biktima sa balkonahe ng ospital sa ika-anim na palapag.

Hinabol umano ang biktima ng security guard na si Jonathan Garduce at tinangkang pigilan ngunit nakasampa sa balkonahe at saka lumundag na nakataas ang braso. (RENE CRISOSTOMO)

489

Related posts

Leave a Comment