PBA IMPORTS BABALIK SA 2nd CONFERENCE

Ni ANN ENCARNACION

MULING ibabalik ng Philippine Basketball Association (PBA) ang import-laced conference sa huling bahagi ng taon.

Ngunit sinabi ni PBA Commissioner Wilie Marcial, may height limit na hanggang 6-foot-6 lang ang mga import sa second ­conference, na planong simulan sa kalagitnaan ng Nobyembre.

Kabilang sa mga nakaraang import na pasok sa height limit sina Justin Brownlee, Allen Durham, Eugene Phelps at KJ McDaniels.

Maliban sa height limit, required din na fully vaccinated laban sa COVID-19 ang kukuning import ng 12 member teams ng PBA.

Ang Barangay Ginebra ang huling koponan na nakapagwagi ng korona kasama ang resident import na si Brownlee sa 2019 Governor’s Cup kontra kay Durham at Meralco Bolts.

Noong nakaraang taon ay Gin Kings din ang tinanghal na kampeon sa tanging All-Filipino conference, na isinagawa sa bubble set-up sa Clark, Pampanga dahil sa dami ng restrictions dulot ng pandemic.

Ngunit ngayong 2021 ­Philippine Cup sa semi-bubble sa Bacolor, Pampanga ay nabigong makapasok ang Ginebra sa playoffs.

275

Related posts

Leave a Comment