PBA Philippine Cup semis Game 7 BEERMEN O BOLTS?

Ni ANN ENCARNACION

HULING pagkakataon na para patunayan ng San Miguel Beermen at ­Meralco Bolts na sila ang karapat-dapat makatapat ng defending PBA Philippine Cup champ TNT Tropang Giga sa finals.

Malalaman ngayong ­(Miyerkoles) alas-6 ng gabi sa decider Game 7 ­semifinals sa Smart Araneta Coliseum kung Meralco ba o SMB ang makakaagaw sa kampeonato ng TNT, ­nauna nang umusad sa ­finals ­makaraang ­talunin ang Magnolia Hotshots sa Game 6 ng kanilang semis series, 88-74, noong Linggo.

Huling nagkampeon ang Beermen noon pang 2019 Commissioners Cup, habang bigo pa rin ang Bolts na makuha ang una nitong titulo.

Kung magwawagi, magiging ika-42 finals appearance na ng SMB ang 2022 Philippine Cup, habang unang beses pa lang sa Magnolia.

Lamang ng isang panalo ang Beermen (3-2) noong Linggo at may pagkakataong mapatalsik ang Bolts, ngunit hindi pumayag si Aaron Black na mangyari ito nang kumamada ng 11 puntos sa huling mga minuto para ­giyahan ang kanyang team sa 92-96 victory.

Isang tres ni Black, ­nagtala ng kabuuang 17 puntos, 5 rebounds at 6 assists, ang nagpalamang sa Meralco na sinundan pa ng 3-point play upang makapwersa ng decider Game 7.

“I got screens from ­Raymond (Almazan) Chris (Banchero) and Cliff (Hodge) and sila ang nagbibigay sa akin ng play. It is the Meralco family that give us the win,” giit ni Aaron.

“He improved a lot in the couple of years. Happy that he carry us tonight. He goes in the picks and the lane, even though we trail by a big margin,” masayang sabi ni Bolts head coach Norman Black patungkol sa anak.

195

Related posts

Leave a Comment