PBBM ABALA SA PAGHAHANDA SA UNANG SONA

(CHRISTIAN DALE/JESSE KABEL)

PATULOY na naghahanda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang unang State Of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 25.

Sa katunayan, si Pangulong Marcos ang nagsusulat ng kanyang SONA message.

“He’s the one writing his SONA message. And, he will be very busy, yesterday we tried to relax his schedule so he can write. But ang dami pa rin mga trabaho. This morning, the two ambassadors of Thailand and the United States presented their credentials to him. But this afternoon, he has devoted it until the weekend, until morning of Monday to finalize his SONA message,” ayon kay Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez sa isang panayam.

Hindi naman masabi ni Rodriguez kung ilang pahina ang magiging speech ni Pangulong Marcos.

“It’s a work in progress. It’s a moving thing. it’s too premature to say right now….,” aniya pa rin.

Samantala, ang mga posibleng nakapaloob sa SONA message ng Pangulo ay ekonomiya, face-to-face opening ng nalalapit na school year at Covid response.

“And when we speak of Covid response, it’s not only about health, it goes all the way to the entire cycle of economy, not just health, the economy, you go into education, and so on and so forth. So yun, pagtutuunan ng pansin yun. And very much related to covid response and opening of classes is of course the digitalization, not just with respect to the education of the students but also with the way things are being run in terms of governance,” aniya pa rin.

“He wants to see a digitized governance and digitalized PBBM administration,” dagdag na pahayag nito.

Kamara total
lockdown na

Kaugnay ng idaraos na SONA sa Lunes, nasa huling yugto na ang inilalatag na security preparation ng Presidential Security Group at Philippine National Police na siyang lead agency sa pagtiyak na magiging maayos at mapayapa ang okasyon na gaganapin sa Batasan Pambansa Complex sa Quezon City.

Isinailalim na sa total lockdown ang Kamara simula kahapon kasabay ng pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa loob at labas ng Batasan Pambansa.

Tuloy-tuloy naman ang fanning sa loob at labas ng Batasan Pambansa Complex gamit ang K-9 dogs ng PSG kasabay ng kanilang inspection.

Mula kahapon ng tanghali hanggang sa Linggo ay wala nang makapapasok sa House of Representatives, bukod na lamang sa mga tinaguriang “essentials” at magbubukas na lamang ito sa mismong SONA day.

Ayon kay PSG Commander Col. Ramon Zagala, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), at Bureau of Fire Protection (BFP), upang matiyak na magiging maayos ang kaganapan sa Lunes, mula sa pagdating ng Pangulo sa Batasan Pambansa, pag-deliver nito ng kanyang talumpati, hanggang sa pagbalik nito sa Malacañang.

Sinabi ng opisyal na magdi-deploy sila ng sapat na tauhan upang tiyakin ang proteksyon hindi lamang ng Pangulo at first family, bagkus ng lahat ng bisita.

Sa kasalukuyan, wala umanong natatanggap na impormasyon kaugnay sa posibleng banta o panggugulo sa SONA ni Presidente Marcos.

Ayon naman kay House Sergeant at arms Rodelio Jocson, in-placed na ang kanilang security preparations at nagpapatuloy ang kanilang inter-agency meeting para plantsahin ang anomang mga gusot.

Idineklara rin na “no fly” zone sa area ng Batasan Pambansa at asahan na magkakaroon ng signal jamming habang nagaganap ang SONA.

150

Related posts

Leave a Comment