PBBM: ASEAN 2026 DAPAT MAY BENEPISYO SA PINOY

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang inter-agency meeting sa Malacañang noong Lunes upang repasuhin ang paghahanda ng bansa para sa pagho-host ng Pilipinas sa 2026 ASEAN Summit and Related Summits.

Tinalakay sa pulong ang mga prayoridad na plano ng pamahalaan na nakatuon sa paglikha ng trabaho, suporta sa maliliit na negosyo, pagpapabuti ng digital services, at pagpapalakas ng people-centered programs.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ganap nang handa ang Pilipinas na gampanan ang papel bilang ASEAN Chair.

Iginiit din ng Pangulo na dapat maghatid ng kongkretong benepisyo ang ASEAN chairmanship para sa mga Pilipino at sa rehiyon, kabilang ang pagtutok sa pagtulong sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao kaugnay ng nakatakdang BIMP-EAGA discussions.

Idinagdag ni Castro na nagpapatuloy ang koordinasyon ng mga ahensya upang matiyak ang “smooth, secure, at well-coordinated hosting” ng mga summit.

Kabilang sa dumalo sa pulong sina Acting Executive Secretary Ralph Recto, DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro, DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque, DICT Secretary Henry Aguda, DSWD Secretary Rex Gatchalian, DOST Secretary Renato Solidum, at PCO Acting Secretary Dave Gomez.

Naidaos na rin kamakailan ng Pilipinas ang ASEAN Foreign Ministers’ Meeting Retreat at ASEAN Tourism Forum sa Cebu. Bilang isa sa mga nagtatag ng ASEAN, ikaapat na beses nang magho-host ng bansa ng ASEAN Summit ngayong taon, kabilang ang ika-48 at ika-49 na summit.

(CHRISTIAN DALE)

1

Related posts

Leave a Comment