(CHRISTIAN DALE)
UMAASA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang talakayan sa Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) Business Summit ay makapagbibigay ng bagong momentum sa magkabilang panig tungo sa “sustainable trade at investment.”
Sa kanyang closing remarks sa summit, araw ng Martes, pinasalamatan ng Pangulo ang ASEAN-EU Business Council para sa suporta nito habang ang ASEAN member-states ay nahaharap sa mga hamon gaya ng supply at mataas na presyo at habang bumabangon mula sa COVID-19 pandemic.
“The discussions undertaken during the day will not only bring new impetus for both sides to bolster sustainable trade and investment while opening ways to fast track the implementation of the EU’s Indo-Pacific Strategy,” ayon kay Pangulong Marcos.
“There is a growing need for the public sector to collaborate with private institutions, especially now that ASEAN Member States are in a post-pandemic economic recovery and are facing new challenges brought about by recent geopolitical tensions, problems in the supply side, problems also with food prices,” wika ng Pangulo.
“In this regard, I would like to express my appreciation to the ASEAN-EU Business Council for its continued support and engagement to ASEAN, from the sectoral bodies up to the Leaders’ level,” aniya pa rin.
Tinukoy naman ng Pangulo ang tumaas na presensiya ng ASEAN sa global stage sa pamamagitan ng pagsisikap nito sa “regional economic integration at supply chain resilience.”
Deployment concerns
Samantala, ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr. ang paglikha ng isang advisory board na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa government agencies, international shipowners, at stakeholders na tutugon sa deployment concerns ng mga Filipino seafarer.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), nagbigay ng direktiba ang Pangulo sa isang meeting kasama ang international maritime employers at iba’t ibang ship owners sa Brussels.
Sa nasabing meeting, sinabi ni Pangulong Marcos sa transport officials ng European Union na ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat ng makakaya nito para tugunan ang certification issues na may kinalaman sa mga Filipino seafarer at para sumunod ang mga ito sa Standards of Training, Certification, and Watchkeeping (STCW) Convention.
Ang hakbang ng Pangulo ay bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Marcos na sumunod sa standards ng European Maritime Safety Agency (EMSA) standards matapos mapuna ng EU ang Pilipinas sa kakulangan sa local seafarer training at edukasyon.
Tinatayang may 50,000 Filipino seafarers sa European vessels ang napaulat na nanganganib mawalan ng trabaho dahil sa paulit-ulit na pagkabigo ng Pilipinas na mapagtagumpayan ang EMSA evaluation sa nakalipas na 16 taon.
Sa nasabing summit, nakaharap ni Pangulong Marcos Jr. si King Philippe ng Belgium sa Royal Palace sa Brussels.
Bago ang summit, nagkita sila at nagkausap ni European Council President Charles Michel.
Naganap ang bilateral meeting nina Marcos at Michel sa Europa Building sa Brussels.
