PBBM, FL LIZA NAG-DINNER SA GITNA NG USAPIN SA KALUSUGAN

NAG-DINNER sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta Marcos noong Sabado sa gitna ng umiikot na espekulasyon hinggil sa kalusugan ng Pangulo.

Makikita sa kanilang social media posts na kumain ang First Couple sa Finestra Restaurant sa Solaire Resort Entertainment City.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng Pangulo na naglaan siya ng oras para sa isang tahimik na hapunan kasama ang Unang Ginang.

Aniya, nakasalamuha rin nila ang ilang mamamayan habang naroon, na aniya’y paalala ng kahalagahan ng kanilang tungkulin sa publiko.

Samantala, ibinahagi rin ng Unang Ginang na mahalaga ang pagkakaroon ng oras na magkasama sila nang walang ingay at abala.

Nauna rito, tiniyak ni Marcos sa publiko na maayos ang kanyang kalusugan sa kabila ng kumakalat na espekulasyon sa social media.

Sa isang panayam kay Claire Castro, sinabi ng Pangulo na hindi dapat seryosohin ang mga impormasyong walang beripikasyon online.

Dagdag pa niya, nakabalik na siya sa kanyang regular na routine sa nakalipas na mga buwan at handa sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin.

Ayon din sa Pangulo, wala naman siyang ipinagbabawal na pagkain, bagaman iniiwasan niya ang ilang mamantika bilang bahagi ng pag-iingat sa kanyang kalusugan.

(CHRISTIAN DALE)

55

Related posts

Leave a Comment