NAGPAABOT ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng isang Pilipinang nasawi sa missile attack sa Haifa noong Linggo ng gabi, Abril 5.
“Kasama nating nagluluksa ang kanyang pamilya sa gitna ng isang trahedyang hindi dapat maranasan ninuman,” pahayag ng Pangulo.
Ayon kay Marcos, inatasan na niya ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na magbigay ng buong tulong sa pamilya ng biktima at tiyakin ang agarang repatriation ng labi nito.
Hindi pinangalanan ang biktima alinsunod sa hiling ng pamilya na mabigyan sila ng pribadong panahon ng pagdadalamhati, ayon sa Department of Foreign Affairs.
“Nakaantabay ang ating Embahada upang maibigay ang lahat ng kinakailangang tulong,” dagdag ng Pangulo.
Sinabi rin niya na patuloy na minomonitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa rehiyon, kasabay ng pagtiyak na prayoridad ang kaligtasan ng bawat Pilipino.
“Nakikiisa ang buong sambayanan sa kanilang pagdadalamhati. Nawa’y matagpuan nila ang lakas at kapanatagan sa gitna ng trahedyang ito,” ani Marcos.
(CHRISTIAN DALE)
20 