SINIBAK sa pwesto ang 102 tauhan ng Puerto Princesa City Police Station kasunod ng Black Friday shooting incident.
Ito ay upang bigyan daan ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nangyaring pamamaril noong Abril 3, na ikinamatay ng dalawang pulis at isang BuCor Personnel.
Ayon kay Police Regional Office Mimaropa Regional Director BGen. Jovencio Badua Jr., inilagay sa administrative relief ang nasabing mga pulis.
Sinabi ni Badua, ang nasabing hakbang ay upang upang matiyak ang patas na imbestigasyon at maalis ang agam-agam ng publiko ukol sa posibleng pagtatakip ng ebidensya o lapses ng mga tauhan.
Lahat sila ay nananatili sa hurisdiksyon ng PS2 habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon.
Manggagaling naman sa ibang himpilan ng pulisya ng Puerto Princesa ang papalit sa mga pulis upang mapanatili ang maayos na operasyon ng istasyon.
Habang nagpapatuloy naman ang forensic examination, pagsusuri sa video at validation ng testimonya upang tukuyin ang kumpletong sequence ng insidente.
Pagtiyak ni Baduan, walang magiging cover-up at tinitiyak na lahat ng lumabag sa protocols ay mananagot kahit ano pa ang ranggo ng mga ito.
(TOTO NABAJA)
143 