HINDI dapat maging hadlang ang political differences upang magtrabaho para sa bayan.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang social media post kaugnay ng kanyang pagbisita sa Naga City, kung saan kasama niya si Mayor Leni Robredo.
Ayon sa Pangulo, serbisyo muna bago pulitika, at ang layunin ng kanyang pagbisita ay inspeksyunin ang Oplan Kontra Baha ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Inilunsad noong Pebrero 18, 2026 ang operasyon na tatagal hanggang Hulyo 31, 2026. Saklaw nito ang paglilinis ng 29 ilog at sapa at dalawang lawa sa Naga City, kabilang ang clearing ng drainage system.
Binigyang-diin ni Marcos na nakahanda ang pambansang pamahalaan na tumulong sa mga lokal na pamahalaan batay sa pangangailangan at hindi sa pulitika.
(CHRISTIAN DALE)
3
