PBBM SA LGUs: MAGBIGAY NA NG LIBRENG BIGAS

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga local government units (LGUs) na agad simulan ang pamamahagi ng libreng bigas sa loob ng susunod na isa hanggang dalawang linggo upang maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Inatasan din ng Pangulo ang LGUs na maglaan ng 50 porsyento ng kanilang Local Government Support Fund (LGSF) para sa pagbili at pamamahagi ng bigas.

“Magsisimula na rin na magbigay ang ating mga LGU ng libreng bigas… iro-roll out ito within the next week or two,” ani Marcos.

Ayon sa Pangulo, maaaring maglaan ang LGUs ng hanggang 100 porsyento ng kanilang LGSF para sa nasabing programa kung kinakailangan.

Ang LGSF ay programang nagbibigay ng pondo sa mga LGUs para sa mga prayoridad na proyekto gaya ng imprastraktura, kalusugan at iba pang serbisyo.

Samantala, tiniyak din ni Marcos na walang agarang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Aniya, nangako ang mga manufacturer na pananatilihing matatag ang presyo habang ginagamit pa ang kanilang mga naunang imbentaryo.

“Habang nandiyan ang kanilang imbentaryo, nangako sila na hindi nila itataas ang presyo ng mga primary commodities,” ayon sa Pangulo.

(CHRISTIAN DALE)

56

Related posts

Leave a Comment